Duterte magre-resign pagtumakbo speaker si Paolo

0
47

Magbibitiw kaagad sa puwesto ang Pangulong Rodrigo Duterte kapag tumakbong house speaker ang anak na si incoming Davao City Congressman Paolo Duterte.

Sa kaniyang talumpati sa Oath Taking ng Government Officials sa palasyo ..nanawagan ang pangulo sa kaniyang anak na abisuhan siya..tatlong araw bago i anunsyo ang pagtakbong house speaker para makapag resign siya bilang pangulo.

Hindi aniya maaaring maging speaker ang kaniyang anak dahil marami na sila sa gobyerno kung saan mayor ng Davao City si Sara Duterte-Carpio at incoming Vice Mayor naman sa lungsod si Sebastian Baste Duterte.

Sinabi ng pangulo na mayruon namang sariling desisyon ang kaniyang mga anak tulad ni Paolo subalit nakikiusap siya rito na abisuhan siya ng maaga kung talagang tatargetin nito ang pagiging pinuno ng kamara.