Thursday, May 9, 2024

Duterte magkakaroon ng 3-day break — Panelo

- Advertisement -

Tatlong araw na magpapahinga ang Pangulong Rodrigo Duterte simula bukas, Martes, ika-12 ng Nobyembre.

Ito ay ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, ngunit posible pa aniyang magkaroon ng pagbabago hinggil dito.

Ayon kay Panelo, hindi nito tiyak kung ang naturang pagpapahinga ng pangulo ay batay sa payong medikal, ngunit sinabi nito na kulang sa tulog ang Pangulong Duterte.

Palagay ko yun lang kulang niya. Lagi siyang kulang ng tulog,” ani Panelo.

Inaasahan namang gugugulin ng pangulo ang kanyang tatlong araw na pagpapahinga sa kanyang tahanan sa Davao City.

Samantala, si Executive Secretary Medialdea naman ang magiging in-charge habang nagpapahinga ang pangulo.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img