Duterte kay Robredo: “I cannot trust her because I do not know her”

0
18

Inamin ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi niya pinagkakatiwalaan si Vice President Leni Robredo.

Sa isang late night press conference sa Malacañang, sinabi ng pangulo na hindi niya mapagkatiwalaan si Robredo dahil bukod sa oposisyon ito, hindi rin niya lubos itong kilala.

Ayon pa kay Pangulong Duterte, mula ng kaniyang italaga bilang co-chair ng Inter Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD) si Robredo, marami na itong pinagsasasabi.

Dagdag pa ng punong ehekutibo, hindi biro ang mga nais makuhang impormasyon ni Robredo hinggil sa kampanya kontra iligal na droga.

Dapat lamang umanong gawin ni Robredo ang kaniyang trabaho na magbigay ng direktiba sa mga otoridad na nangangasiwa sa iligal na droga.

Magugunitang itinalaga ni Pangulong Duterte si Robredo bilang co-chair ng ICAD dahil sa patuloy na pagbatikos sa kampanya kontra iligal na droga ng administrasyon.

Ang problema kay Robredo, right after she was appointed, she began talking publicly abut inviting the Human Rights Commission, she was talking to United Nations, she want to talk to European Union, at marami na syang pinagsasabi. Kung ganon, I cannot appoint her as a cabinet member. I cannot trust her because I do not know her,” ani Pangulong Rodrigo Duterte.