28.7 C
Manila
Sunday, April 14, 2024

Duterte kailangan magsumite tuwing Lunes ng report ukol sa iginawad na special powers

- Advertisement -

Patuloy ang panawagan ng ‘transparency’ ng mga mambabatas hinggil sa ibinigay na karagdagang kapangyarihan ng kongreso kay Pang. Rodrigo Duterte.

Ito ay matapos na aprubahan ng kongreso ang Bayanihan To Heal As One Act na nagbibigay ng emergency powers kay Pangulong Duterte upang matugunan ang krisis na kinahaharap ng bansa dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Sa ilalim ng R.A. 11469 o ang Bayanihan To Heal As One Act, nakasaad na dapat magsumite tuwing Lunes ang Pangulo ng detalyadong report sa kongreso hinggil sa implementasyon ng batas at sa naging paggamit ng Pangulo sa iginawad sa kaniyang special powers, partikular na kung paano ginastos, inallocate ang mga pondo.

Sinabi ni Kabataan Rep. Sarah Elago, na wala kasing natanggap na report ang Kamara, kahapon.

Dagdag pa ni Elago, dapat na agad na mag-convene ang oversight committee dahil sa hindi pagsumite ng pangulo ng nasabing ulat.

Kaugnay nito, sinabi naman ni Senate President Vicente Sotto III na inaasahan niyang makatanggap ng detalyadong report mula sa Malakanyang partikular na sa pamamahagi ng tulong pinansiyal sa 18-M pamilya na pinaka-apektado ng COVID-19.

Gayunman, sa kaniyang mensahe sa publiko kahapon sinabi ni Pang. Duterte na inatasan na niya si Executive Sec. Salvador Medialdea para sa ispesipiko at detalyadong report na Malakanyang.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -