Duterte itinalaga si Lizaso bilang bagong NCCA Chairperson

0
8

Itinalaga na ni Pangulong Rodrigo Duterte si Cultural Center of the Philippines (CCP) President Arsenio “Nick” Lizaso bilang bagong Chairperson ng National Commission for the Culture and the Arts (NCCA).

Inaprubahan ang appointment ni Lizaso noong Disyembre 23.

Si Lizaso ay isa sa pinakakilalalng pangalan pagdating sa mundo ng sining sa Pilipinas.

Pinarangalan ito bilang isa sa ‘Ten Outstanding Movers of the Philippines’ para sa sining at kultura ngayong taon.