Duterte ipinagliban ang pagbisita sa Boracay ngayong araw

0
24

Ipinagpaliban ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang nakatakdang pagpunta sa Boracay island ngayong araw Marso 12.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, napagpasiyahan ito ng pangulo matapos ng masusing pag-aaral sa kasalukuyang sitwasyon bunsod ng mga bagong developments sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.

Sinabi ni Panelo, muli na lamang itatakda sa ibang araw ang biyahe ng Pangulo sa Boracay bagama’t wala pa silang eksaktong petsa.

Magugunitang, layon ng planong pagbiyahe ni Pangulong Duterte sa Boracay island ay ang makatulong para mapalakas ang industriya turismo sa bansa na apektado na rin ng banta ng COVID-19.