Duterte inaasahang magdiriwang ng Eid’l Fitr sa Davao

0
60

Inaasahang sa Davao City ipagdiriwang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagtatapos ng ramadan.

Una nang idineklara ng pangulo na isang regular holiday ang araw na ito bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Eid’l Fitr.

Samantala, bigo ang Pangulong Duterte na bumisita sa Sulu kahapon.

Sinabi ni Presidential spokesman Ssalvador Panelo na ito ay kasama sa schedule ng pangulo kahapon.

Nakatakda rin sanang makiharap ang pangulo sa tropa ng mga sundalo sa Mindanao.

Wala naman impormasyon kung bakit hindi natuloy dito ang pangulo.