Saturday, May 4, 2024

Duterte iginiit na wala siyang kinalaman sa pagkamatay ni Mayor Halili

- Advertisement -

Iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na wala siyang kinalaman sa pagkamatay ni Tanauan City Mayor Antonio Halili.

Sa harap ng Filipino community sa Papua New Guinea, sinabi ng Pangulo na hindi makatarungang idawit siya at isisi sa kanya ang pagkamatay ng alkalde.

Matatandaang binaril si Halili noong Hulyo sa mismong flag raising ceremony sa tapat ng city hall ng Tanauan.

Sinabi noon ng Pangulo na posibleng dahil sa pagkakasangkot naman ni Halili sa iligal na droga ang sanhi ng pagkamatay ng alkalde.

Wala akong alam, ako magsabi lang ako na patayin kita pero pangtakot lang iyan maniwala ka pala. Sino nagpatay? Tanungin niyo ang pulis, hindi ako.

Samantala, pinagbantaan naman ng Pangulo ang mayor ng Iloilo city na si Jed Mabilog.

Don’t do drugs, papatayin ko kayo, since then ilang mayor na. ‘Yung mayor na si Mabilog, balita ko [sangkot] ‘yan sa droga. Pinsan ni Drilon ‘yan eh.. siya ang isunod ko.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img