Duterte idineklara ang Nobyembre 8 bilang ‘Enviromental Planning Day of the Philippines’

0
13

Idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Nobyembre 8 kada taon bilang “Environmental Planning Day of the Philippines”.

Ito’y kasunod ng paglagda ng pangulo sa Proclamation No. 847 na layong palawakin ang kaalaman ng publiko sa kahalagahan ng urban, regional at environmental planning.

Kasabay nito ipinagdiriwan din tuwing Nobyembre 8 ang World Town Planning Day kung saan layon namang tumaas ang kamalayan sa environmental impact ng urbanization.