Duterte hinikayat ang publiko na huwag matakot sa COVID-19 outbreak

0
14

Hinihikayat ni Pangulong Rodrigo Duterte ang publiko na huwag matakot sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Sa talumpati ng Pangulo kagabi, sinabi nito na wala dapat ikatakot ang taumbayan dahil may pera ang pamahalaan at kung mayroong palpak sa giyera laban sa COVID-19 ay kanila itong aayusin.

Pangungunahan aniya ito nina Defense Secretary Delfin Lorenzana, DILG Secretary Eduardo Año at Secretary Carlito Galvez na siyang chief implementor ng Philippines declared national policy against COVID-19.