Duterte hindi magdedeklara ng nationwide martial law — Año

0
42

Hindi magdedeklara si Pangulong Rodrigo Duterte ng nationwide martial law.

Ito ang iginiit ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año sa gitna ng espekulasyon na inuugnay sa inilabas na Memorandum Order (MO) No. 32

Ayon kay Año, target ng MO ang mga lugar kung saan lamang aktibo ang mga miyembro ng rebeldeng grupo na New People’s Army (NPA).

Tila nagpahaging din si Año sa mga kritiko kung saan sinabi nito na ang natatako lamang sa MO No. 32 ay yung mga kalaban ng administrasyon at nais pabagsakin ang demokrasya sa bansa.

Kasabay nito, tiniyak ng opisyal na hindi magdudulot ng pang-aabuso ang inilabas na MO No. 32 kung saan nag uutos na magpakalat ng mas maraming pulis at sundalo sa ilang lalawigan kasunod ng umano’y lawless violence.