El Nido bagsak sa isinagawang coliform test

0
46

Bagsak sa ginawang coliform test ang El Nido sa Palawan batay sa datos ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Sa nasabing resulta, lumabas na nakapagtala ang dalawang anyong tubig nito ng mataas na antas ng fecal coliform.

Ito ay kinabibilangan ng Cabigsing River at tubig na nagmumula sa Barangay Buena Suerte.

Nakapagrehistro ang mga ito ng 1,300 most probable number ng fecal coliform gayung ang pamantayan sa kalidad ng tubig na ligtas na mapagtampiwasan ng mga tao ay nasa 400 lamang.

Dahil dito, inaasahang matatanggal na ang mga establisyimentong nasa paligid nito na lumalabag sa environmental laws upang bumababa na ang coliform levels.

Nanganganib na ma-demolish ang maraming establisyemento sa plano ng DENR na 20-meter easement zone mula sa shoreline ng El Nido.