Duterte hindi isasailalim sa self-quarantine —Go

0
17

Walang planong mag self-quarantine ang Pangulong Rodrigo Duterte.

Pahayag ito ni Senador Bong Go matapos mapaulat na naka self-quarantine si Health Secretary Francisco Duque III na laging kausap ng presidente.

Ayon kay Go, minomonitor naman ng mga doktor ang pangulo.

Tuloy anya ang pangulo sa pulong sa Inter Agency Task Force on coronavirus disease 2019 (COVID-19) ngayong hapon.