36.4 C
Manila
Friday, April 26, 2024

Duterte handang umalalay kay Robredo sa ‘war on drugs’ — Panelo

- Advertisement -

Handang alalayan o tulungan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Vice President Leni Robredo kung hihingi ito ng tulong sa kanya kaugnay sa ‘war on drugs’.

Ayon kay Presidential Spokesperson Atty. Salvador Panelo, hindi ugali ni Pangulong Duterte na makialam sa pamamalakad sa iba’t ibang departamento maliban nalang kung humingi ito ng tulong sa kanya.

Aniya, hahayaan na muna ng Malacañang sa ngayon ang bise presidente na maglatag ng kanyang sariling pamamaraan kung paano masasawata ang problema sa ilegal na droga sa bansa.

Matatandaang tinanggap kahapon ni Vice President Leni Robredo ang alok ng pangulo na maging co-chairperson ng Inter-Agency Committee on Illegal Drugs (ICAD).

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -