29.5 C
Manila
Wednesday, April 17, 2024

Duterte handang magpadala ng mga sundalo sa Jordan kontra ISIS

- Advertisement -

Handa si Pangulong Rodrigo Duterte na magpadala ng sundalo sa Jordan upang tumulong sa kampanya ng Jordanian Armed Forces kontra Islamic State.

Sa kanyang talumpati sa harap ng mga Jordanian businessman sa kabisera na Amman, inihayag ni Pangulong Duterte na ang pagpapadala ng hukbo ang isa sa kanyang paraan upang mapatatag ang ugnayan ng Pilipinas at Jordan.

Batid ng Punong Ehekutibo na maliit ang hukbong sandatahan ng Jordan kumpara sa Pilipinas.

Hindi rin aniya matatawaran ang husay at kakayahan ng mga sundalong Pinoy sa pagsugpo sa terorismo na nasubukan sa limang buwang sagupaan sa Marawi City at iba’t ibang serye ng sagupaan sa Mindanao.

—-

 

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -