Duterte dumating na sa Indonesia

0
47

Dumating na si Pangulong Rodrigo Duterte sa Indonesia para dumalo sa Association of South East Asian Nations (ASEAN) Leader’s gathering.

Lulan ang pangulo ng Bombardier Challenger Class private jet na lumapag sa Bali International Airport ganap na alas nueve, nueve kagabi.

Sa pagdating ng pangulo sa Indonesia, naiabot na ang pangakong tulong ng Pilipinas para sa mga nasalanta ng lindol at tsunami roon.

Samantala, anim sa miyembro ng gabinete ng pangulo ang kabilang sa kaniyang opisyal na delegasyon.

Ito ay kinabibilangan nina Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Alan Cayetano, Department of Finance (DoF) Secretary Carlos Dominguez, Department of Budget and Management Secretary Benjamin Diokno, Socioeconmic Ernesto Pernia, Special Assistant to the President (SAP) Christopher “Bong” Go at Presidential Communications Office Operations (PCOO) Secretary Martin Andanar.


Relief goods para sa mga biktima ng lindol at tsunami sa Indonesia nakarating na

Bukod sa pinansyal na tulong nagpadala ang Pilipinas ng mga relief goods mga nabiktima ng lindol at tsunami sa Central Sulawesi, Indonesia.

Ayon kay Department of National Defense (DND) Secretary Delfin Lorenzana, nakarating na ang mga relief goods na isinakay sa C-130 na lumipad kahapon patungong Indonesia.

Babalik din aniya ito sa Oktubre 15 sa naturang bansa upang makatulong naman sa pag byahe ng iba pang pangangailangan ng mga biktima.

Natagalan lamang umano ng kaunti ang pagpapadala ng tulong ng Pilipinas dahil sa kalamidad din na tumama sa bansa.