Duterte dumalo sa binyag ng kaniyang apo sa tuhod

0
14

Dumalo si Pangulong Rodrigo Duterte sa binyag ng kaniyang apo sa tuhod sa Davao City nitong weekend.

Batay sa mga larawang ibinahagi ni Sen. Christopher ”Bong” Go, makikitang hinahalikan ng pangulo ang kaniyang apo na si Rodrigo “Tres” Duterte III.

Si “Tres” ay apo ni Davao City Rep. Paolo “Pulong” Duterte sa kaniyang anak na si Rodrigo “Rigo” Duterte II.

Bago ito, binisita muna ng pangulo ang mga sugatang sundalo na kasalukuyang ginagamot sa Metro Davao Medical and Research Center.

Ginawaran ng pangulo ng Order of Lapu-Lapu na may ranggo na Kampilan ang mga sugatang sundalo kung saan, sinaluduhan naman siya ng mga ito.