Duterte di hihingi ng suporta sa religious groups ngayong eleksyon—Palasyo

0
51

Inihayag ng Malacañang na walang balak si Pangulong Rodrigo Duterte na humingi ng suporta sa Simbahang Katolika o iba pang religious group para i-endorso ang kanyang mga pambato sa pagka-senador sa nalalapit na eleksyon.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, kailanman ay hindi naging ugali ng Pangulo ang lumapit sa mga religious sector kahit noong siya pa ay tumatakbong alkalde ng Davao City o pangulo ng bansa.

Gayuman, inamin ni Panelo na may mga religious leader ang nag-alok ng tulong sa Pangulo noong presidential elections gaya na lamang ni Kingdom of Jesus Christ Founder Apollo Quiboloy at ng Iglesia ni Cristo.

Magugunitang naging mainit ang bangayan ni Pangulong Duterte at Simbahang Katolika hinggil sa iba’t ibang isyu lalo na sa kampanya kontra iligal na droga.

—-