Duterte dapat munang magbakasyon – Panelo

0
42

Dapat munang magbakasyon sa trabaho si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang mungkahi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, dahil subsob na aniya sa trabaho ang pangulo.

Aniya, palaging pagod ang Pangulong Duterte dahil sa tambak nitong trabaho at kadalasan naman ay kulang ito sa tulog kaya’t mas makabubuti anya kung magpapahinga muna ito ng isa hanggang dalawang linggo.

Gayunman, tiniyak naman ni Panelo na nasa maayos ang pangangatawan ng pangulo.

Matatandaang una nang inamin mismo ni Pangulong Duterte na mayroon siyang ilang karamdaman na iniinda.