Duterte binalaan ang mga pulis na papasok o tatambay sa mga casino

0
45

Binalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga pulis na tatambay o papasok sa mga casino.

Sa talumpati ng pangulo sa inagurasyon ng Cavite Gateway Terminal sa bayan ng Tanza, sinabi nito na kaniyang sisibakin sa serbisyo ang sinumang pulis na mamamataan sa mga pasugalan.

Handa rin umano niyang sagasaan ang mga police car ng mga ito sa oras na makita niyang nakatambay ito sa mga casino o di kaya’y ipatatawag niya ang army ranger upang magpatrulya sa lugar.

Ayon sa pangulo, nais niyang tuldukan ang pananamantala ng mga pulis sa mga kidnapping sa lugar kung saan dinudukot ang mga nagsusugal at hinihingian ng pera.

“If you violate my order, I will dismiss you from the service. That’s an order. Because you are there to commit a crime.” Pahayag ni Duterte.