Duterte binalaan ang mga hukom na kokontra sa vape ban

0
14

Binalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga hukom na magtatangkang harangin ang implementasyon ng total ban ng vape sa bansa.

Sa kaniyang talumpati sa 80th anniversary ng Department of National Defense, sinabi ng pangulo na huwag maglalabas ng Temporary Restraining Order ang mga judge para pigilan ang kaniyang direktiba na ipagbawal ang paggamit at pag-aangkat ng mga vape product.

Ayon sa pangulo, kahit pa anong gawing pakikielam ng mga hukom ay hindi niya ito susundin.

Judges, I warn you, do not issue restraining orders to the Customs (or) to the Coast Guard. I will not obey your order because of the peculiar situation this country finds,” ani Pangulong Rodrigo Duterte.