Duterte bibisitahin ang mga batang cancer patients sa Davao City

0
11

Nakatakdang bisitahin ng Pangulong Rodrigo Duterte ang mga batang may cancer sa Davao City sa December 28.

Sinabi ni Senador Bong Go ayaw ng Pagulo na mawawala sa schedule niya ang pagbisita sa mga batang naka-confine sa ospital dahil sa cancer.

Ayon pa kay Go kaligayahan ng Pangulo na mabigyan ng inspirasyon ang mga batang may sakit lalo na at maaabutan ng regalo.

Magugunitang sinusuportahan ng Pangulo ang House of Hope sa Davao City kung saan kinukupkop at binibigyan ng atensyong medikal ang mga batang may cancer.