Duterte, ayaw nang makipag-usap kay CPP Founder Jose Maria Sison

0
81

Wala  nang interes    si Pangulong   Rodrigo  Duterte na makipag-usap    pa  kay   Communist   Party of the Philippines   Founder   Jose Maria  Sison.

Ayon sa  Pangulo, wala  na  siyang oras    na makipagnegosasyon sa  komunistang grupo      lalot  binantaan na aniya siya ni Sison na   hindi   magtatagal  ng tatlong taon sa    puwesto.

Matatandaang   sinabi nuon ni Sison  na   mas mainam  na      pagtuunan   na lang nila   ng pansin    ang pagpapatalsik   kay Pangulong Duterte  at  paghandaan na lamang ang  peacetalks  sa     susunod na administrasyon.

Sa    kabila  nito, iginiit ng Pangulo na     hindi siya nababahala  sa     bantang      pagpapatalsik   sa kanya sa puwesto ng   komunistang     grupo.

Samantala,    inihayag  ng  Pangulo na     wala   siyang anumang kasunduang nilalagdaan na may kaugnayan    sa      usapang  pangkapayapaan.

Nadiskubre ng Pangulo na  mauuwi sa   power sharing at  coalition    government ang nais   ng    komunistang   grupo na   hindi aniya   niya    mapahihintulutan.