Duterte at Roque walang naging samaan ng loob sa kabila ng pagtalaga kay Panelo

0
48

Walang naging samaan ng loob sina Pangulong Rodrigo Duterte at dating Presidential Spokesman Harry Roque.

Ito ay sa kabila pagkakatalaga ng pangulo kay Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo bilang bagong tagapagsalita ng Malakanyang.

Ayon kay Panelo, wala namang siyang napansing naging pagbabago sa kilos o pakikiyunguhan ng dalawa.

Gayunman, inamin ng kalihim na hindi niya alam ang tunay na estado ngayon ni Roque lalo’t hindi pa malinaw kung tatakbo ito o hindi sa pagka-senador.