Duterte at Misuari muling nagkita sa Davao

0
42

Muling nagkita sina Pangulong Rodrigo Duterte at Moro National Liberation Front (MNLF) Founding Chairman Nur Misuari sa Davao City nitong Biyernes.

Batay sa ulat, kasama ng Pangulo sa pulong nina Presidential Peace Adviser Carlito Galvez at Senador Bong Go.

Ayon kay Galvez, mailalarawan bilang “personal” ang muling pagkikita nina Pangulong Duterte at Misuari kung saan napagkasunduan aniya ng dalawang kampo ang pagbuo ng isang komite na hahawak sa usapang pangkapayapaan sa Sulu.

Dagdag ni Galvez, posibleng magkaroon muli ng pagpupulong sa pagitan ng pamahalaan at ni Misuari sa Setyembre.

Magugunitang noong Hulyo lamang nagkaroon din ng pribadong pagpupulong si Pangulong Duterte at Misuari sa Malakanyang.