Duterte at ilang miyembro ng administrasyon hinamon na mag-commute — Anakbayan

0
13

Hinamon ng grupong Anakbayan si Pangulong Rodrigo Duterte at ilang miyembro ng administrasyon na magcommute araw -araw patungo sa kanilang mga trabaho.

Ayon kay Anakbayan spokesperson Alex Danday, kasama ni Pangulong Duterte, hinahamon din nila sina Presidential spokesperson Salvador Panelo, Transportation secretary Arthur Tugade at Metropolitan Manila
Development Authority (MMDA) spokesperson Assistant secretary Celine Pialago.

Aniya, kailangan nilang maranasan ang umanoy mala-impyernong reyalidad na araw-araw hinaharap ng mga commuters.

Matatandaang itinanggi ng Malakanyang ang paratang na mayroon nang ‘mass transport crisis’ sa bansa.