Friday, May 17, 2024

Duterte at BARMM chief minister nagkaharap sa Palasyo

- Advertisement -

Nagkaharap sa Palasyo sina Pangulong Rodrigo Duterte at Al Haj Murad, chief minister ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Kasama sa pulong ang 12 ministro at si Agriculture Secretary Manny Piñol na magiging point person ng central government sa BARMM.

Ipinabatid ni Murad na nilinaw ng pangulo sa kanila na hindi makikiaalam si Piñol sa trabaho o operasyon ng BARMM kun’di magsisilbi lamang extension ng supervisory work nito para anumang kailangang tulong ng BARMM ay mabilis na maipapaabot sa pangulo sa pamamagitan ng kalihim.

Welcome naman aniya sa kanila ang pagtatalaga ng Pangulong Duterte kay Piñol bilang point person sa BARMM.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -