29.6 C
Manila
Friday, April 26, 2024

Duterte abala lamang sa private meeting, paperworks kaya’t di nagpapakita sa publiko – Panelo

- Advertisement -

Abala lang umano si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga paperworks at private meetings.

Ito ang pahayag ng Malacañang matapos lumutang ang usapin kung bakit hindi nakikita ngayong linggo ng publiko ang pangulo.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, abala ngayon ang pangulo sa pagdalo sa mga pribadong pulong, courtesy calls at mga paperworks.

Maraming oras aniya ang ginugugol ng pangulo sa pagbabasa ng mga dokumento bago nito lagdaan.

Magugunitang ang ilang beses na hindi pagpapakita ng pangulo sa publiko ay nakakalikha mga ispekulasyon kaugnay sa kaniyang kalusugan ngunit makailang beses din naman tinitiyak ng Malacañang na maayos ang kalusugan ng punong ehekutibo.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -