Duque sumailalim sa self-quarantine

0
21

Naka self quarantine si Health Secretary Francisco Duque III simula pa ng Miyerkules.

Ayon kay Duque, sumailalim na sya sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) testing subalit malalaman pa ang resulta sa susunod na dalawa hanggang tatlong araw.

Sinabi ni Duque na wala naman syang senyales na na impeksyon na sya ng COVID-19.

Tiniyak ni Duque na tuloy-tuloy ang kanyang trabaho mula sa kanyang tahanan.