DTI hindi dapat pumayag sa hirit na taas presyo ng mga basic goods manufacturer —Consumer group

0
8

Agad na kinontra ng grupong Laban Konsyumer ang hirit na taas-presyo ng mga manufacturer ng ilang pangunahing bilihin.

Ayon kay Vic Dimagiba, presidente ng grupo, hindi dapat payagan ng DTI ang taas presyo lalo na’t bumaba naman aniya ang presyo ng petrolyo at kuryente.

Ani Dimagiba, mas makakabuti kung kukunsultahin muna ng DTI ang mga grupo ng konsyumer bago aprubahan ang mga hirit sa pagtataas ng presyo.

Aniya, ang mga konsumer ang pumapasan ng pagmamahal ng presyo ng mga bilihin.