34.5 C
Manila
Monday, April 22, 2024

DSWD umayuda na sa mga evacuation center sa Batangas

- Advertisement -

Nagpadala na ng quick response teams ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga evacuation center sa Batangas kasunod nang pag-aalburuto ng Bulkang Taal.

Ipinabatid sa DWIZ ni DSWD Secretary Rolando Bautista na kagabi rin ay nagpalarga na siya ng food packs para sa mga nasa evacuation center at tatagal ng dalawang araw bago sila magpadala muli ng panibagong food supply.

Ang laman no’n ay 6-kilos ng bigas, meron tayong corned beef doon, meron ding creamer, meron ding sardinas, at iba’t iba pang canned goods. Itong food packs, ang duration nito, at least for a family of 5 maka-sustain ito for 2 days, and after 2 days ay mayroon na naman tayong ibibigay na another food packs,” ani Bautista.

Tiniyak ni Bautista na hindi magugutom ang mga evacuee hanggang matapos ang kalamidad.

Meron naman po tayong mga naka-standby na stock, actually naka-store ‘to –unang-una sa field office namin IV-A, at the same time, meron din kami ditto sa may Central Office namin –ito ‘yung pinaka-main warehouse namin na talagang kayang magprepare ng mga food packs. Ang sa amin kasi, ina-assure naming sa mga evacuees doon na hindi sila magugutom hanggang matapos ang calamity,” ani Bautista. —sa panayam ng Ratsada Balita

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -