DSWD nakaalerto na sa Bagyong Ompong

0
55

Nakaalerto na ang Department of Social Welfare and Development sa pananalasa ng Bagyong Ompong.

Ayon kay DSWD Secretary Virginia Orogo, nakahanda na ang higit sa P8-milyong halaga ng tulong at higit sa P7-milyong halaga ng food packs at iba pang kagamitan na ipapamahagi sa mga maaapektuhan ng bagyo.

Tiniyak din ni Orogo ang patuloy na paghahanda at pag-momonitor ng lahat ng field offices sa mga rehiyon upang maalalayan din at matugunan ang pangangailangan ng mga local government units (LGUs).