DSWD nagpa-abot ng tulong sa Itbayat, Batanes earthquake victims

0
45

Nagpa-abot na ng tulong ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga biktima ng lindol sa Batanes.

Base sa pinakahuling ulat ng disaster response management ng DSWD, aabot na sa 158 family food packs ang naipadala na sa Itbayat.

Habang, nakatakda namang ipadala sa mga susunod na araw ang mahigit 1,000 pang food packs, 100 family tents, at 400 sleeping tents sa pamamgitan ng mga vessel ng BFAR.

Maliban dito, magbibigay din ang kagawaran ng emergency shelter assistance na aabot sa 30,000 piso kada pamilya na matinding nasiraan ng bahay.

Sa ngayon, magkakaron din ng critical incident stress debriefing ang DSWD para sa mga biktima ng lindol.