DSWD Bicol, May Naka Standby Nang Mahigit ₱34M Na Halaga Ng Food Packs At Non Food Items Para Sa Posibleng Maapektuhan Ng Bagyong Rolly

0
77

Naka standby na ang aabot sa mahigit ₱ 34 million na halaga ng food packs at non-food items ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Bicol para sa mga posibleng maapektuhan ng pagdaan ng Bagyong Rolly.

Sakali kasing maubusan na ang mga LGU ay mayroong nakahandang nasa ₱ 8,300,823.08 na halaga ng food packs ang ahensya at nasa ₱ 26,420,032.90 na halaga ng mga non-food items.

Maliban dito, mayroon pang ₱ 3,000,000.00 na stand-by funds ang DSWD sakaling kailanganin pa ng suporta ng mga maaapektuhang LGU.

Sa ngayon, patuloy ang paghahanda ng mga Bicolano sa posibleng pananalasa ng bagyo. Kahit kasi hindi direktang tatamaan ang rehiyon, pero mararamdaman pa rin ang hagupit nito dahil sa lawak ng dayametro ng bagyo.

Inaasahan ang pinakamalapit na lokasyon nito sa Bicol bukas ng umaga o nasa layong 70 km Silangan ng Daet, Camarines Norte.

Sa 11am weather advisory ng Pagasa, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 480 km Silangan- Hilagang Silangan ng Virac, Catanduanes taglay ang lakas ng hanging aabot sa 215 km/h at pagbugsong 265 km/h.

Kumikilos ito sa direksyong pa Kanluran Timog Kanluran sa bilis na 20 km/h. Sa track PAGASA, sa Quezon area pa rin ang posibleng landfall ng bagyo pero hindi rin inaalis ang posibilidad na tumama ito sa Catanduanes o Camarines provinces.

(Source: Bicol News)

Leave a Reply