Dry run ng provincial bus ban sa EDSA magsisimula na sa Agosto a-kinse

0
57

Magsisimula na sa Agosto a-kinse ang dry run ng provincial bus ban sa EDSA.

Ayon kay MMDA General Manager Jojo Garcia, ipatutupad ang ban tuwing rush hour lamang o ala sais hanggang alas nwebe ng umaga at ala sais hanggang alas nwebe ng gabi.

Sa ilalim ng polisiya, hanggang Cubao, Quezon City lamang ang mga bus na mula northbound at habang hanggang Pasay City ang mga biyahe mula southbound.

Maaari naman anyang gamitin ng mga walang terminal sa Pasay ang Southwest Interim Provincial Terminal.

Aminado si Garcia na hindi pa maaaring gamitin ng mga provincial bus ang limang ektaryang integrated terminal sa Valenzuela dahil hindi pa ito tumatalima sa LTRFB standards gaya ng paglalagay ng mga waiting sheds at comfort room.

Sa sandaling maging operational, maaari nang magbaba ang mga bus mula Norte ng mga pasahero  sa nasabing terminal na lilipat sa mga  bus na biyaheng Metro Manila.