Drug cooks mas mahalaga — PDEA

0
15

Mas mahalaga umano ang mga drug cooks kaysa sa mga drug dealers.

Ito ay ayon kay Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Aaron Aquino.

Aniya, tinatawag ang mga ito na “chemists” na siyang nagluluto at nakaalam ng formula sa paggawa ng shabu.

Sa mga international drug syndicate, nasa P70-M ang halaga ng bawat isang drug chemists.

Inilabas ni Aquino ang pahayag matapos ang ginawang pagbunyag ni dating Criminal Investigation and Detection Group (CIDG)  Chief at ngayo’y Baguio City Mayor Benjamin Magalong hinggil sa nangyayaring illegal drug recycling sa New Bilibid Prison (NBP).