29.7 C
Manila
Friday, April 26, 2024

#DropYourBeautifulDaughter online challenge posibleng maging sanhi ng online sexual abuse —group

- Advertisement -

Binalaan ng grupong Save the Children Philippines ang mga magulang at bata sa pagkasa sa isang online challenge na “#DropYourBeautifulDaughter”.

Sa challenge na ito, kailangang i-post ng mga magulang ang picture ng kanilang mga anak at ito ay nakakuha na ng mahigit kalahating milyong response mula sa netizens.

Ayon kay Atty. Alberto Muyot, chief executive officer of Save the Children Philippines, ang nasabing trending na challenge ay maaaring makapagpahamak ng mga bata dahil sa posibleng online sexual abuse at exploitation.

Paliwanag pa ni Muyot, kahit hindi naman mahalay ang ipinost na larawan ng bata, posible pa rin itong magamit ng mga mapagsamantala sa mga hindi kaaya-ayang gawain.

Dahil dito, pinayuhan ni Muyot ang mga magulang na maging maingat sa pagpo-post sa social media ng larawan ng kanilang mga anak lalo’t wala namang katiyakan na ito ay protektado laban sa mga taong may hindi magandang hangarin.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -