Sunday, April 28, 2024

Driver ng truck na nakabangga sa isang jeepney inaalam na

- Advertisement -

Inaalam na ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng driver ng truck na nakabangga sa isang jeepney na nagresulta sa pagkasawi ng 6 at ikinasugat ng 4.

Ito’y kaugnay sa malagim na aksidenteng naganap sa Sumulong Highway, Brgy. Mambungan, Antipolo City kahapon ng hapon.

Ayon kay P/Lt. Arnold Mercado, ground commander ng Antipolo City Police, batay sa paunang impormasyon na kanilang nakalap, mabilis ang patakbo ng driver ng truck sa kaniyang minamaneho hanggang sa tuluyan niyang salpukin ang jeepney.

Una nang kinilala ang mga nasawi na sina Gionvanie Bongaitan, Limuel Espinorio, Ramona Macaladcad, Denise Kyla Lingad Yu, John Paul Mallari at Javes Vincent Dela Cruz na ngayo’y nasa St. James Funeral Homes at isinasailalim sa post mortem examination.

Habang nananatiling under observation sa pagamutan ang mga sugatang kinilalang sina Alex Dagupan, Rey Mandy Pelayo, Jennilyn Espinosa at Ivan Pogoso.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -