Drilon may patutsada sa mga bagitong senador

0
48

Nagpatutsada si Senate Minority Leader Franklin Drilon sa mga bagitong senador na nagnanais na mamuno agad ng mga komite sa senado.

Ayon kay Drilon, dapat na makinig at mag-aral na muna sa mga datihang senador ang mga bagito bago naisin na mamuno sa sarili nilang komite.

Binigyang diin pa ni Drilon na tradisyon ng senado na irespeto ang mga mas nauna o mas senior na miyembro ng upper house.

Una nang ibinulgar ni Senate President Tito Sotto na ilang nanalong senador na kaalyado ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nagnanais na makuha ang ilang makapangyarihang komite sa senado.