Radio Philippines Network
Image default
Headlines National News

Drilon ‘ceasefire’ muna sa pagkuwestiyon sa bilyon-bilyong gastos sa SEA Games

Ceasefire na muna si Senate Minority Leader Franklin Drilon sa pagtatanong hinggil sa gastos ng bilyon-bilyong pisong gastos ng pamahalaan para sa Southeast Asian (SEA) Games.

Ayon kay Drilon, nais muna nyang makapag-concentrate ang sports officials sa paghahanda para sa SEA Games.

Layon din anya nila na ilayo muna sa kontrobersya ang SEA Games lalo na sa panahon ng paghahanda ng mga atleta at lalo na pagdating mga dayuhang atleta sa bansa.

Una nang kinuwestyon ni Drilon ang P12-billion na ginastos sa pagpapagawa ng Clark Stadium na isa sa mga venue sa SEA Games.

Nais malaman ni Drilon kung ano ang plano ng Bases Conversion Development Authority (BCDA) sa Clark Stadium pagkatapos ng SEA Games.

Maliban kasi sa ginastos sa konstruksyon, mangangailangan rin ng halos P200-million na pondo kada taon para sa maintenance ng Clark Stadium.

Related posts

Terror attack sa Mindanao walang indikasyon na kakalat sa iba pang bahagi ng bansa — Lorenzana

Powered by DWIZ

4 Chinese POGO workers natuklasang may dalang shabu, arestado sa Maynila

Powered by DWIZ

Mahigit 100 opisyal ng BOC kinasuhan dahil sa korupsiyon

Powered by DWIZ

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More