Wednesday, May 8, 2024

Dredging sa Manila Bay puspusan ng pinaghahandaan

- Advertisement -

Puspusan ang paghahanda sa gagawing dredging o desilting ng mga basura sa Manila Bay matapos i-puwesto sa bahagi ng US Embassy ang apat na heavy equipment.

Binakbak na ngayong araw na ito ang bahagi ng baywalk para mas lumuwag ang daanan ng mga truck at iba pang parating na equipment na gagamitin sa rehabilitasyon sa Manila Bay.

Pinutol na rin ang isang bahagi ng upuan ng mga namamasyal sa baywalk para magkasya ang papasok na mga equipment patungong seawall.

Ipinagbawal muna ang pagbibisikleta malapit sa breakwater dahil may mga naka puwesto nang heavy equipment.

Maaari namang magamit ng bikers ang bike lane malapit sa mga tanim na halaman sa malapit sa Roxas Blvd.

Nitong nakalipas na sabado ay nagsagawa na ng dry run ang DENR at DPWH sa paghahakot ng basura sa Manila Bay.

Sinabi ng DENR na sa susunod na buwan ay pormal nang sisimulan ang malawakang desilting sa isandaang (100) metro ang lawak mula sa seawall na may habang isa punto limang kilometro mula sa US Embassy hanggng Manila Yacht Club.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img