Dredging operation ng DENR sa Manila Bay handa na

0
61

Nakahanda na ang DPWH o Department of Public Works and Highways sa kanilang isasagawang dredging operations na bahagi ng Manila Bay rehabilitation plan.

Kabilang sa mga inihanda ng DPWH ay ang amphibious excavator na gagawa ng trabaho sa naturang paghuhukay.

Ipinaliwanag ng DPWH na ang paghuhukay ang magsisilbing paraan sa pagtatanggal ng mga burak sa Manila Bay.

Nagsagawa na rin ng pagsusukat ng lalim ng Manila Bay pati na sa ilog ng Navotas City na magiging gabay sa kung gaano kalalim ang dapat na hukayin at linisin.

Samantala, nakatakda namang simulan ang paghuhukay sa Manila Bay sa ikatlo ng Marso.