28.3 C
Manila
Monday, April 15, 2024

DPWH sumaklolo na rin sa mga residente sa Batangas

- Advertisement -

Nagpadala na ng team at gamit ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Batangas para tumulong sa rescue operations.

Ipinabatid ng DPWH ang isang mini dump truck, dalawang dump truck at dalawang service vehicle ang nasa bayan ng Agoncillo, samantalang mayroon ding dalawang DPWH service vehicle na nasa bayan ng Lemery.

Ang mga nasabing sasakyan ng DPWH ay tumutulong na sa rescue operations sa District 1 hanggang Distrcit 4 ng Batangas.

Samantala, sinabi ng DPWH na pansamantalang isinara sa mga motorista ang national roads na Tagaytay-Talisay Road at Tagaytay-Taal Lake Road sa Batangas. —ulat ni Aya Yupangco (Patrol 5)

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -