29.6 C
Manila
Friday, April 19, 2024

DPWH namahagi ng 18,000 surgical masks sa 3 public hospital sa Metro Manila

- Advertisement -

Namahagi ng 18,000 surgical masks ang  Department of Public Works and Highways (DPWH) sa tatlong pampublikong ospital sa Metro Manila.

Sinabi ni DPWH Secretary Mark Villar na nais nilang makatulong para mabigyan ng proteksyon ang medical frontlines sa paglaban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Philippine Heart Center, Lung Center of the Philippines at Philippine General Hospital (PGH).

Kasabay nito, pinangasiwaan din ng DPWH ang pagpapadala ng tents sa lung center at ang mga ito ang magsisilbing temporary isolation unit ng ospital ang mga naturang tent ay ipinadala ng DPWH Regional Office 3 bilang donasyon ng global humanitarian organization na World Vision Clarkfield, Pampanga para makatulong sa gobyerno kontra sa COVID-19.

Dalawang dump truck, stake truck na may boom crane at ilang crew ng egineers, heavy equipment operators at drivers mula sa DPWH Pampanga First at Second District Engineering officers ang nagtutulong tulong para sa pag deliver sa Diliman, Quezon Cty.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -