DOTr tiniyak na magiging maliit lang ang epekto ng ‘5-day truck holiday’

0
54

Tiniyak ng Department of Transportation (DOTr) na magiging maliit lamang ang epekto ng nakakasang limang araw na truck holiday na magsisimula sa Lunes, Nobyembre 19.

Ayon kay DOTr undersecretary for Maritime Fernando Juan Perez, maliliit lamang na samahan ng truckers ang makikiisa sa nasabing tigil-byahe ng mga truck.

Ngunit tiniyak umano sa kaniya ng malalaking grupo ng truckers na hindi sila sasama sa naturang truck holiday.

Una rito, ibinabala ng ilang grupo ng truckers ang pagsasagawa ng tigil-byahe upang iprotesta ang panukala ng pamahalaan na palitan na rin ng bago ang mga lumang truck na 15 years pataas.