DOTr sinimulan na ang pag-aaral sa Metro Manila cable car system

0
60

Sinimulan na ng Department of Transportation ang pag-aaral para sa “urban cable car project” sa Metro Manila.

Katuwang ang gobyerno ng France sa nasabing proyekto na inaasahang makatutulong upang maibsan ang problema sa trapiko sa kalakhang Maynila.

Nagkakahalaga ng €450,000 ang feasibility study para sa cable system na nagsimula kahapon at tatagal ng sampung buwan.

Sa pamamagitan ng nasabing pag aaral, tutukoy ang DOTr ng mga lugar sa Metro Manila para sa pagpapatupad ng cable car project.

Bilang grantor naman, naghahanap ang gobyerno ng France ng isang urban area para sa pilot implementatation ng nasabing proyekto.

Tiwala naman si DOTr Secretary Arthur Tugade, na hindi lamang sa problema sa trapiko makakatulong ang cable car system kundi palalakasin din nito ang turismo sa bansa.