Thursday, May 2, 2024

DOLE, sisilipin ang mga Chinese establishment sa Boracay

- Advertisement -

Sisilipin na ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga negosyo ng mga Chinese investor sa isla ng Boracay sa Malay, Aklan.

Ito, ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, ay upang matiyak na sumusunod hindi lamang ang mga Tsino sa labor laws ng bansa.

Nilinaw ni  Bello na bagaman mayroong trade relations ang Pilipinas sa ibang bansa kaya’t pinapayagan silang mag-invest ay ipinagbabawal pa rin ang pag-hire ng mga foreign worker kung kaya namang gawin ng mga Filipino ang kanilang trabaho.

Nagdeploy na anya ang DOLE ng compliance officers sa Boracay kung saan maraming Chinese at iba pang Asian shops ang nagsulputan simula nang buksan muli ang isla noong Oktubre matapos ang kalahating taong rehabilitasyon.

 

Magugunitang ikinagulat ng mga residente sa Boracay at business operator ang biglang pagdami ng mga Chinese establishment sa pangunahing tourist destination ng bansa kung saan ilan sa mga ito ay walang English o Filipino signage.

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img