34.3 C
Manila
Thursday, April 18, 2024

DOLE nilinaw na wala pang naaprubahang minimum wage hike sa NCR

- Advertisement -

Nilinaw ng Department of Labor and Employment o DOLE na wala pang naaprubahang umento sa sahod para sa National Capital Region (NCR) ang National Wages and Productivity Commission.

Ginawa ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang paglilinaw matapos mapaulat na sigurado na ang P20 na umento sa minimum wage sa NCR.

Ayon kay Bello, magtatakda pa ang wage board ng public hearing upang desisyunan kung magkano talaga ang dapat na idagdag sa minimum wage ng mga manggagawa sa NCR.

Tiniyak ni Bello na hindi bababa sa P20 ang maibibigay na umento sa minimum wage earners at matatanggap nila ito sa loob ng taong ito.

—-

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -