Friday, May 10, 2024

DOLE hinikayat ang mga employer na mag-avail ng financial assistance para sa kanilang mga empleyado

- Advertisement -

Hinikayat ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga employer na i-avail ang financial assistance para sa kanilang mga manggagawang apektado ng enhanced community quarantine dahil sa bansta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay Labor Sec. Silvestre Bello III, sakop ng cash assistance ng DOLE ang lahat ng kumpanya sa formal sector, gaano man ito kalaki o kaliit.

Ani Bello, kailangan lamang ipadala ng kumpanya ang kanilang payroll sa ahensya at magpapadala naman sila ng pera sa employer para maipagkaloob sa mga empleyadong hindi nakapasok dahil sa quarantine.

Una rito nag-alok na rin ang DOLE ng disinfection jobs para sa mga displaced informal worker at makakatanggap ng minimum wage.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -