DOLE, DTI makikipagpulong sa Honda Cars Philippines

0
18

Susubukan ng Department of Labor and Employment (DOLE) at Department of Trade and Industry (DTI) na hikayatin ang Honda Cars Philippines na ituloy na ang operasyon ng kanilang planta sa Laguna.

Sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na makikipagpulong sila sa management ng Honda Cars sa lalong madaling panahon.

Makakasama ni Bello sa nasabing pulong si DTI Secretary Ramon Lopez.

March 2020 ang unang target date ng Honda sa closure ng kanilang planta sa Sta. Rosa, Laguna at inaasahang 100 manggagawa ang mawawalan ng trabaho kapag tuluyang nagsara ang Honda Philippines.